Photo Gallery
Fiesta na bukas
Saturday, November 8, 2008 @
11:30 AM
Ayon, fiesta na nga samen bukas. Actually, may karakol na nga mamaya eh. Napakasarap ng ube na niluto namin kahapon. Tapos na rin iluto yung embutido na talaga namang peyborit ko. At syempre marami pang ibang putahe na lulutuin. Nagperya nga pala kami kagabe ng mga pinsan ko. Sumama lang ako. Pero hindi ako sumakay sa mga korning rides. Ang korni kase. Para saken. Kaya nga ako pumunta dun eh, para laitin yung perya. Wahaha! Tapos ngayon, kaarawan naman ng kaibigan kong si Bing. (umoo nalang kayo. Hindi ko kasi mahanap yung friendster nya kaya hindi ko sya mapapakilala sa inyo) Magsswimming daw kame. Tamang-tama! Wala akong pera! Ang saya diba! Pano ba naman, sa Postema pa kami magsswimming tapos 2pm aalis? Edi ginabe kame? Ang sama ko! haha! Pero sa totoo lang, wala namang problema yung pera. Baka lang hindi ako payagan. Fiesta na nga bukas eh. kaylangan ng
Ayun na nga! Matatapos na ang sembreak. Hindi ko na napost yung ibblog ko na tungkol sa camping namen. ngayon, nagdadalawang isip na ako kasi masyadong mahaba yun.
Oh pano? Marami pa akong gagawin. Salamat sa pagbabasa ng tagalog kong post ha? Ciao!
0 RIOT!-ers |
post a comment |
fly to the top