<body>
statistics
Hits:
Currently Online: viewer/s
Blog Started: November 01, 2008
Last Updated: October 26, 2009
Posts: 63 (3 posts on the rock!)
Linkies: unknown living creatures

the blogger


Kateriina. 15 years breathing. I like anime, asian dramas, shopping, chucks, collectibles, foods, bands, make-ups, designing, hoodies, music, and lastly, PARAMORE. You'll have a problem with me if you're a poser, cheater, bitch, boastful, nonsense, and knows nothing but LOVE. It's just a little introduction about me. I am moody, and you'll know me more you'll have time to chat with me. :)
fear is often greater than the danger itself.

MORE?

i really don't know
but i'm...
My Unkymood Punkymood (Unkymoods)

won't sum1 stop this song


Open in new window



First week ng December ko

talagang walang kulay ang post ko ngayon dahil medyo mahaba siya at tinatamad akong magkabit ng HTML tags. Pagpasensyahan mo na.

Ano bang meron sa week 1 ng December ko? Aba’y naloka at nakalog ang utak ko dun ah. Monday, walang pasok, kaya magsimula tayo sa Tuesday.

Day 1 – Tuesday – TYPE-A 101
Sabe, type A daw sa hapon. (It’s our C.A.T. uniform composed of many kaartehan. xD) Edi GO! Magta-type A ako. Then, tumawag pinsan ko.

Erika: Uy Katre, Type A ba daw talaga?
Katre: Ewan ko, yun yung sabi nila eh.
Erika: Eh bat sabe ni Bing (nabanggit na sa November 8 post ko), uniform daw.
Katre: Ha? Ewan ko sa kanya.
Erika: Pero magtatype A ka?
Katre: Oo, eto na nga. Nakapagpalit na ako eh.
Erika: Ah, o sige. Bye
Katre: Babye.

At pagpasok ng eskwelahan? Ako’y *dug! dug!* (heartbeat yan, wag kang maki-alam. xD) Ayun, ako lang nakatype A! Langya! Sabe meron din daw na ibang nakatype A pero umuwi agad upang magpalet. Eh hello?! 1pm na? Balik pa ako sa bahay? Eh nagsialisan na mga alien dun. Sabi ng iba, inannouce daw nung uwian na na school uniform na lang. Pero dahil maagang nauwi ang tropang Dalahican, wala kaming alam. So ayun, sobrang gulo ng isip ko at sobrang galit ko, napaluha na lang ako.
*Uy Katre bat ka naiyak?*
*Uy? Baket? Anong nangyare?*

Nemic talaga tong mga tao sa school. Parang di nila nakita na ako lang ang naiiba ng suot. Hay nako! Kalimutan ang December 2!


Day 2 – Wednesday – Nothing in Particular
Nothing in particular. Umaga nagdaldalan lang kame. At nung hapon, nagpraktis ng Field Demo. Medyo nahihilo ako nung nagprapraktis kame. Tapos puro ikot pa ang ginagawa ng teacher namen at mga sidekick niya. Aba’y loko-loko pala tong mga to. Bahala kayo. Ni isang ikot sa praktis, hindi ko ginawa. Hay nako, napakaboring na araw. Sayang tuition fee! x[


Day 3 – Thursday - Meron pa namang telepono, dude.
Napagusapan namen nung Day 2 na magpP.E. kami ng Thursday, kasi Thursday naman talaga ang subject naming P.E. Pero dahil etong araw na ito nga gaganapin ang Graduation Picture namen, naka-uniform silang lahat. At nakaP.E. ako. Edi ayun, napagtawanan na naman ng mga nemic kong kaklase. Buti na lang, meron akong kaibigang matigas ang ulo. Alam niyang maguuniform lang ang lahat pero nagP.E. pa rin siya. Ang pangalan niya ay Francis. Halos lahat ng PAXTRO ay naka-make-up na. Kami ni France, hindi pa. Mabuting kaibigan diba? Sinamahan ako sa kahihiyan. xD Tapos na ang first period namen. Nagmake-up na rin kame. Dapat, memeyk-apan ako ng kaklase ko. Pero dahil may tigyawat ako, ayokong hawakan ng ibang kamay ang muka ko. Ang arte no? Edi ako na lang nagmeyk-ap saken. Ayun, maayos naman ang kinalabasan. Masaya pala magmeyk-ap no? Haha! Uwian ng tanghale, umuulan. Sayang make-up ko. Pati yung buhok ko na naka-curl. Magkasabay kame ni Patricia sa tricycle kasi ang daming maarteng drayber. Napagusapan namen ni Patricia na nakakatamad nang pumasok… Haha! Ayun, hindi nga kame pumasok. Aba’y kahit ganon, atlis, may oras ako na tapusin ang project ko sa English. Pumunta si Patricia sa bahay. Nagpa-tutor ng konte at syempre, hindi pinalampas ang pagkakataong makakuha ng picture. Mga 5pm, umalis na kame. Punta Mcdo tapos sa bilihan ng DVD. Nagtagal kame ng konte pero masaya. Kahit papano, hindi masyadong boring ang Day 3.


Day 4 – Friday – Walang Gala.
GALA dress ang suot namen. Ayoko tong uniform naming ito pero kahit papano, nagkakaron ng konting pagbabago sa piningin ko. First Friday Mass tapos Oikos. Sa hapon, P.E. na. Gumuho ang mundo ko dahil sobrang uber na napakaBORING ng hapon na yun! Sayang ang mga oras na dapat sana ay kasama ko na lang ang computer ko. May praktis kasi ng Field Demo kaya kaylangan ko ng humabol sa mga hindi ko alam na steps. Kaso nga, tinuruan pa pati ang 1st year, 2nd year at 3rd year. So buong 1 hanggang 4:40pm, gumuguho lang ang mundo ko. Kinuha pa ang 5-6:00pm namen na time sa C.A.T. kasi nga hindi kasya yung oras. Nagsimula na ang tugtog, may dumating na lalake, guro din siya sa paaralan namen. May sinabe sa teacher namen. Hindi ko alam kung ano ang eksaktong sinabe. Yun pala, magkakaroon ng sandaling mass para sa mga X-MAS LIGHTS na kinabit sa school. nakaw! Christmas lights lang! Kaya dahil naubos ang oras namen, Walang Gala! Naku

Hay! Mabuti na lang at wala na namang pasok sa Monday. Nasa anyong Prinsesa na naman ako. *nyay*


post a comment | fly to the top