<body>
statistics
Hits:
Currently Online: viewer/s
Blog Started: November 01, 2008
Last Updated: October 26, 2009
Posts: 63 (3 posts on the rock!)
Linkies: unknown living creatures

the blogger


Kateriina. 15 years breathing. I like anime, asian dramas, shopping, chucks, collectibles, foods, bands, make-ups, designing, hoodies, music, and lastly, PARAMORE. You'll have a problem with me if you're a poser, cheater, bitch, boastful, nonsense, and knows nothing but LOVE. It's just a little introduction about me. I am moody, and you'll know me more you'll have time to chat with me. :)
fear is often greater than the danger itself.

MORE?

i really don't know
but i'm...
My Unkymood Punkymood (Unkymoods)

won't sum1 stop this song


Open in new window



Bakit Ba Kaylangan Pang Mangyari Ito?

Mood: Pest
Music: Mad

Sa totoo lang, nagdadalawang isip ako kung ipopost ko ba talaga to. Kasi unang-una, tagalog to. Iniiwasan ko na nga magpost ng tagalog kasi hindi naman lahat ng mapapadpad dito sa blog ko ay nakakabasa ng tagalog. (puro tagalog) Pangalawa, puro kaiinitan lang ng ulo ang nilalaman nito. At pangatlo, wala namang nilalalang ang magkakaroon ng ganang bumasa ng mahabang post na punong-puno ng inis at pagkamuhi. Pero, napagisip-isip ko, blog ko naman ito, kung hindi ako magtatagalog, hindi ko malalabas ung buong galit ko, at hindi rin naman mahalaga sa aken kung may magbasa ba ng post kong ito o wala. Kaya, eto, iyak na lang ako. Hoho.

Boo-wee-shit talaga yang JS Prom na yan! Halos dalawang linggo kong pinoproblema! Wala naman akong mapapala! Naku! Eh kung yung P1,500 na yun binigay na lang saken, edi marami pang narating yun. Weh, hindi ako nagbibiro. Pwede akong makabili ng contact lense, o kaya damit, o kaya pagkaen. Bakit lahat kaylangan lang mapunta sa pesteng Prom na yan. Kung masaya ang iba, pwes ako hinde! 4:00pm-12:00am yun pare. Bakit ko aaksayahin ang mga oras na yun sa isang restaurant na hindi maintindihan, kung pwede ko namang aksayahin yun sa computer ko. Duh?! Eh ano naman kung masaya ang prom? Magtipon-tipon pa lahat ng mga gwapo, wala akong pakialam! Kung papipiliin mo ko, friends o pera, pipiliin ko ang computer. Kahit isang oras ko lang titigan tong computer na to, sapat na yun para mabuo ang araw ko. Tinutukso na tuloy ako ng tita ko. Sabe, boyfriend ko na daw tong computer na to. Hindi naman ganoon, nagmamahalan lang talaga. Itong computer na to lang ang nagbibigay buhay at sigla sa aken, (pero siyempre, iba pa rin si tenshi-kun). Kung ihaharap mo ko sa computer ng iba, ay naku, aantukin lang ako. Haa! Aba’t bakit ba ako nakarating sa topic na to? -__-

Ayun, yung nanay ko nga, binigyan ako ng P1,500 para sa mga gagamitin ko sa JS. Kung titingnan mo, kulang pa para sa isang maarteng babaeng katulad ko ang P1,500 na yun. Pero sabi naman ng mga dakila kong kaibigan, ok na daw yun. Oh, edi sige. Sabi nyo ok eh. Kaso, etong lola ko, laging nasa trabaho. Wala akong makasama bumili ng mga gagamitin ko. Tapos nung linggo (Feb. 15), dapat ay pupunta na kami sa Binakayan para umarkila ng cocktail dress. Kaso, etong magaling kong lola, pinapapunta ako ng Villa Mar magisa, (beach between Cavite & Noveleta). Ang ibig sabihin, magba-bus pa ako para makarating dun. Eh maarte nga ako, hindi ako pumayag. Sabi ko wala akong kasama kaya ayoko. (Nagkaphobia lang naman ako na bumiyahe magisa kasi dalawang beses na nanakawan si kuya) Ayun, sabe ng aking lola, pumunta na lang daw kami sa D.V. (dibisorya) tapos umabsent na lang daw ako. Edi pumayag na ako ng bonggang bongga. Kaso, tinadtaran naman kami ng praktis nitong sumunod na week. Edi sabi ko hindi ako makakaabsent.

Pero nung Tuesday (Feb. 17) wala kaming praktis, edi nakaabsent ako. Tinext ko agad ang lola ko gamit ang cellphone ng classmate ko. Sabi nya, hintayin ko daw yung tawag niya tapos sunduin daw nila ako dito. Aba eh, mamaya-maya tumawag na naman, punta daw ako noveleta, dun daw nila ako hintayin sa may munisipyo. Ayuuun! Umangat na naman ang dugu ko hanggang bunbunan. Villa Mar nga hindi ako nakapunta magisa, noveleta pa kaya? Eh wala akong cellphone. Pano ko sila mahahanap?!

Kaso maya-maya, biglang dumating! Pinagmamadali ako! Kasama daw niya yung amo niya. Edi sobrang taranta ko, hindi ko na nagawang patayin yung computer ko. Madami pa silang dinaanan. Boring dun sa kotse kase wala yung ipod ko. Hanggang nandun na kame sa arkilahan ng damet. Dalawa na lang ang natitirang cocktail dress. Pink & Black tapos Black & White. Type ko sana yung may pink kaso tong amo ng lola ko, nagustuhan yung black & white. Kaysa naman sabihin ko na, “ayoko, panget yan. mas gusto ko tong pink”. edi pinaglakad ako nun pauwe mula binakayan hanggang cavite? Haaay! Edi no choice. Yung B&W na ang napili ko. Napakasimple ng skirt kaya hindi ko type. Ayun, paguwi ko, punong puno ng pagsisisi ang bulsa ko.

Para ipaalam ko sa inyo, ang lola ko, 50+ na. Kaya medyo retarded na. At ako naman, hindi ako marunong makisama sa mga ganung tao lalu na kapag mainit ulo ko. Kaya madalas kami magaway ng lola ko. Kung tama ang bilang ko, tinanong nya ako ng walong beses kung anong klaseng damet ang susuotin ko, anim na beses kung anong kulay ba, mga limang beses kung kanino ako magpapaayos, anim na beses kung ilang damet ang kaylangan ko, tatlong beses kung saan ako magpapamanecure, at labing-isang beses kung anong klaseng sapatos ang kaylangan ko. Kung tutuusin mas makulit pa siya minsan, hindi lang siya ganyang karetarded ngayon. Siguro tingin ng iba, mabait ang lola kong yun dahil sa iniisip niya lang ang kalagayan ko. Haa! Akala niyo lang yun. Kung nagday-off siya nung isang linggo kahit isang araw lang, edi sana tapos na ang lahat, wala na kaming poproblemahin. Kahit nga sabado’t linggo wala siya eh. Aba’t eto, nananahimik na nga ako kakaisip ng solusyon sa mga natitirang problema, gumagawa pa ng sariling palabas. Problema ko na nga kung anong klaseng sapatos o high heels ang bibilin ko, aba’y kinausap pa yung classmate ko! Nilinaw ko na sa kanya, mga limang beses na, na hindi ko naman kaylangan ng closed-shoes, yun lang kahit spiral, yung natataleeee, yung hindi madaling mahubad kapag nagsasayaaaaaaaw! Magulo ba akong magexplain? Eh bakit naman yung kaibigan niya na-gets kaagad nung pinaliwanag ko? Edi ayun, nagsigawan na naman kame. Pano naman kase, akala ko okay na ang lahat, kinausap pa yung classmate ko. Edi lalabas na ako yung tanga. Sinabi ko naman sa kanila na ayoko magJS!!! 1 week before the preparation. Tapos pinilit pa rin ako! Sayang daw yung P600 na binayad kung hindi naman sasale. So, sabi ko, mas sayang yung P2,100 dahil sinali nila ako.

Haaaay nako. Kahit ano talagang gawin ko, hindi nila ako maintindihan. Siguro nga nabahiran lang ako ng mga ninuno ko ng kaartehan. Kaya nagdudusa rin ang mga tao sa katigasan ng ulo ko. Pero, what’s the point?


post a comment | fly to the top