<body>
statistics
Hits:
Currently Online: viewer/s
Blog Started: November 01, 2008
Last Updated: October 26, 2009
Posts: 63 (3 posts on the rock!)
Linkies: unknown living creatures

the blogger


Kateriina. 15 years breathing. I like anime, asian dramas, shopping, chucks, collectibles, foods, bands, make-ups, designing, hoodies, music, and lastly, PARAMORE. You'll have a problem with me if you're a poser, cheater, bitch, boastful, nonsense, and knows nothing but LOVE. It's just a little introduction about me. I am moody, and you'll know me more you'll have time to chat with me. :)
fear is often greater than the danger itself.

MORE?

i really don't know
but i'm...
My Unkymood Punkymood (Unkymoods)

won't sum1 stop this song


Open in new window



No Way! Oh, Yes Way.

Sorry for the inconvenience but this post is written in Tagalog. If this is English, you won’t understand it either because I’m in the bad mood to share my English talent this time. Vow. LMAO

Mood: Nagulat
Music: Paramore Songs (ops. di pwedeng banggitin! xD)

Tae talaga! Anu na namang kababalaghan ang nangyayare ngayon?! Napakapayapa na ng buhay ko dahil hindi na nagpapakita yung pinsan kong may gusto sa kuya ko, bigla na namang may dumating na bago?! Ah. *ehem.ehem*

Kanina kasing umaga, maayos ang almusal ko. Maaga kasi akong nagising kahit hanggang alauna ng madaling araw ako nagpaikot-ikot sa kama dahil sa hindi ako makatulog. Ayun nga, fried rice, hotdog & egg with milk pa ang nagpabusog saken kanina. Pagkatapos mag-almusal ay tumungo na ako sa kompyuter ko at excited pa man din akong maglaro ng Jamlegend. (subukan mo, parang o2jam at pwede ring guitar hero) Habang naglalaro (mga 10:40 na ng mga oras na iyon), bukas ang pintuan ko, as in talagang bukas! Nang biglang nakita ko yung anak ng may-ari ng bahay namen. (bata pa siya, mga nasa tatlo hanggang apat na taong gulang) Talagang sa sobrang gulat ko, sinara ko yung pinto at… nagpagtuloy sa palalaro ng Jamlegend. LOL. Hindi naman sa wala akong pakialam na nandito sila, actually ayoko nga na nandito sila eh. Hindi ko lang talaga mabitawan yung nilalaro ko dahil sayang ang points. Tapos na ang nilalaro ko, napaisip na ako kung anong gagawin ko. Wala si kuya, wala rin ang lola ko, ang nandito lang ay ung tito at tita ko pati ung isa ko pang tita na hindi naman nila alam na dito natigil. (oo!)

Habang napapaisip, biglang nag-flash-back sa isip ko ang mga kawalangyaang ginawa sa amen ng asawa ng may-ari ng bahay na to. Yung.. yung matapobreng babaeng yon! Actually wala siyang ginagawa, salita pa lang niya ay gunaw na mundo namen. Sa una ay aakalain mong mabaet pero talagang... nakuuuuu! Sarap tirisin! Kung anu-ano talagang mga pinagsasabeng sumbong sa asawa niya at sa lola ko! Pero ang pinakahindi ko talaga matanggap ay yung sinabihan niya ako na NAGTATAGO DAW AKO NG PAGKAIN SA KWARTO KASI HINDI DAW AKO NAKAEN AT HINDI AKO NALABAS BUONG ARAW! Aba, baka gusto niyang isupalpal ko mukha niya sa tae ng askal sa kanto! Kahit hindi ko nakasama sa pagkabata ko mga magulang ko, hindi pa rin nila ako tinuruan magnakaw! AT CHAKA PWEDE BA?! NUNG MGA PANAHONG YUN, DIET PA AKO! KAYA BAKET AKO KUKUHA NG MGA PAGKAENG PANGBATA SA REF?! Tss.

Wala na! Sira na bakasyon ko! Pinlano ko pa namang magtipid at sa bahay lang ng matagal, bigla namang dating nito nila! Uubisin ko na lang allowance ko kaysa tiisin na naman tong mga taong to!

Hi nga pala, kamusta ka na? alam mo ba? hindi pa rin nagana ang favicon ko, at tinatamad akong ayusin to. pero bago matapos ang walang kabuluhang post na ito, gusto kong malaman mo na ginagawa ko lang ang mga gusto kong gawin. mataas ang pride ko kaya ayoko ng may kagaya ako, kaya gumagawa ako ng paraan para maging UNIQUE. teka, ano nga bang konek nito? LOLs
NAISIP KO LANG...
Tanong:
bakit mahahaba ang buhok ng mga multo at aswang?
Sagot: kase kung kalbo sila, baka matawa ka lang.
laughtrip lang. wahahaha. nye.


post a comment | fly to the top