<body>
statistics
Hits:
Currently Online: viewer/s
Blog Started: November 01, 2008
Last Updated: October 26, 2009
Posts: 63 (3 posts on the rock!)
Linkies: unknown living creatures

the blogger


Kateriina. 15 years breathing. I like anime, asian dramas, shopping, chucks, collectibles, foods, bands, make-ups, designing, hoodies, music, and lastly, PARAMORE. You'll have a problem with me if you're a poser, cheater, bitch, boastful, nonsense, and knows nothing but LOVE. It's just a little introduction about me. I am moody, and you'll know me more you'll have time to chat with me. :)
fear is often greater than the danger itself.

MORE?

i really don't know
but i'm...
My Unkymood Punkymood (Unkymoods)

won't sum1 stop this song


Open in new window



Ang Talumpati: Paalam, Hayskul

SJC Batch 2008-2009, Para sa inyo 'to

Mga kaklase ko, mga kaibigan ko, mga kabatch-mate ko, MARAMING SALAMAT SA INYO. Sa lahat ng nagawa niyo sa buhay ko, sa pagiging mabuting kaibigan, kausap, katabe, kaklase, katawan, katinginan, kainsultuhan, kachat, katext, kangitian, kaaway, kasama, kasigawan, kasabay, kakalbitan at kung anu-ano pang naging relasyon naten. Wala akong makakalimutan kahit isang hibla ng buhok ninyo, lalung lalo na yung mga nagbigay ng litrato at sumulat sa malaki kong skrappbukk. Gusto ko nga rin palang humingi ng patawad sa mga kaepalan ko, kakasigaw ko, kakastolen ko, kakaiyak ko sa mababaw na dahilan, at iba pang mga kinainis niyo sa aken. Isa lang naman ang dahilan niyan eh, hindi ako PERPEKTO. Pero, kung gusto niyo, pwede rin ako maging perpekto, kaso, may bayad lang. xP Itatago ko ang huling remembrance niyo sa aken sa highschool life ko hanggang sa libingan ko. x]

Tayo, magkakahiwa-hiwalay nang lahat. MANHID na lang ang hindi umiyak o magsabi na mahal ang make-up nila kaya hindi pwede mabasa ng luha. Lahat kayo, parte na ng buhay ko. Kahit yung mga taong ni isang minuto sa buhay ko ay hindi ko pa nakakausap nang masinsinan. Tae! Ako pa makakalimot? Eh bukod sa mga kamaganak ko, wala na akong ibang kaibigang tulad niyo, mga bading kayo! xD Itetreasure ko ang mga ala-ala niyo hanggang sa paglaki ko.

Mamimiss ko lahat ng mga pinagsamahan naten. Kahit yung mga simpleng tawanan sa klase, mga tuksuhan, tawanan at sigawan kapag walang teacher, mga pangangalbet , kakilala man o hinde, sa mga simpleng apir-apir at ngitian bilang pagbate, sa galaan kapag may project, mga picture-picture naten! (magaupload ako sa mulitply ko!) Lahat ng yan, gusto ko pa sanang maulet. Pero mukhang imposible na. Hindi na natin masusuot ang school uniform naten, pati na C.A.T. uniform at GALA dress. Wala ng intermission na magaganap, hindi na ako makakarinig ng mga tuksuhan sa paligid-ligid, at syempre, hindi na tayo makakapag-Flag Ceremony ulet. Mahirap mang sabihin ngunit kaylangang tanggapin.

PAXTRO
Kung wala kayo, walang abnormal na Katrina sa mundo. xD Maraming salamat sa nagawa niyo sa aken. Sa lahat ng tawanan, chismis, galaan, utangan, bentahan, awayan at iba pa. Kung hindi tayo dumaan sa mga problema, ano pang silbi ng pagiging totoong magkakaibigan naten? Mahal ko kayo! Kaya isama nyo ako sa MOA! xDD

C.G.
Salamat sa mga panahon na nakasama ko kayo. Patawarin niyo ako kung nalayu man ang loob ko sa inyo sa mga nakaraang taon matapos tayong mahiwahiwalay ng section. Pero kahit ganon, kaibigan ko pa rin kayo, naging parte ng buhay ko. Cutie Galz is NOT Dead! *cross fingers* :P

P.O.G.I.
Maraming salamat sa mga panahon na ibinahagi niyo sa isang baliw na tulad ko. Magkakaiba man tayo ng tropa, hindi pa rin mababago ang katotohanan na kasama kayo sa listahan ng mga kaibigan ko. Salamat sa lahat!

RECALCITRANT
Baiiiisss!! *yeah!* Haha! Unang-una, gusto kong magsorry sa mga nagawa kong panlalait sa inyo. xD Kung alam niyo lang, lagi ko kayong pinaparinggan. Pero mukha namang wala kayong pakialam. Salamat sa mga panahong nakasama ko kayo sa tawanan at asaran, pati sa hipuan!!! At higit sa lahat, salamat sa pagsuporta nyo saming dalawa ni “P”! Haha!

Salamat sa mga nagpatawa saken ng bonggang bongga:
PAXTRO, Toni Atkinson, Erika Preciado, Kevin Ambos, Jouize Paroan, Patrick de Pedro, R.V. Castañeda, Edwin Portacio, King de Guzman, Eugene Encranacion at iba pang komedyante. Bentang benta ang joke niyo saken na talaga namang binili ko!

Sa mga nagpaiyak saken kahit sa mababaw na dahilan:
PAXTRO, R.V. Castañeda, Ralph Coros, C.A.T. Uniform!, Anthony Clay Daoana, Aileen Marie Aniñon, Lian Encarnacion, at iba pang mga sadista diyan! Hindi na ako galet! Pinatawad ko na kayo, matagal na. Kung hindi ko man kayo pinapansin, absent lang saglet ang pagkakaibigan naten, dadating ang araw na papasok ulit to.xD

Sa mga naging crush ko at mga nagpatibok ng puso ko:
*Oppppssss. May bayad na to.* Alam kong hindi niyo alam na naging crush ko kayo. Pero salamat na rin dahil nalalapitan ko kayo ng hindi niyo alam na may gusto ako sa inyo. Ibig sabihin, walang ilangan. xD Lalu na sa pinakalatest kong crush! Lagi kitang iniisip! Buwisit ka! XD

Sa mga naging kagroup ko sa mga project:
Patawad kung minsan ay late ako o hindi na ako naattend. Pero kahit ganon, enjoy pa rin ako sa mga naging praktis naten! Enjoy ako! :]

Yung iba pang hindi ko nabanggit, wag nang magtampo dahil nasa puso ko pa rin kayo. Hindi ko talaga kayo makakalimutan, at sana ay ganun din kayo! Para ipaalam ko sa inyo, may posibilidad na hindi na tayo magkita pa sa buong buhay natin pagkatapos ng graduation, kaya ang tanging hinihiling ko lang ay makasama ko kayong lahat sa isang araw. Parang reunion ba? Ewan! Haha! Kapag may galaan, wag niyo ko kalimutan yayain ha? Salamat din ng marami sa mga nagbigay ng picture at sumulat sa skrappbukk ko! Isa ito sa mga paraan ko para hindi ko kayo malimutan.

Maging masaya sana tayong lahat sa mga landas na tatahakin natin, lalo na sa college life! Maraming salamat ulit sa lahat. Mamimiss ko ang batch na to.


click mo nalang para magrab mo. bawal right click dito eh.


post a comment | fly to the top